Tuesday, July 28, 2015

Ang Simula ng Walang Hanggan

July 7, 2015
7:15 pm

Salamat! Sadyang me mga salita na gustong gusto mong sabihin pero hindi mo masabi. Pero dahil ang totoo mahiyain talaga akong tao o kinakain lang ako ng pride ko, hindi ko masabi.

Para sa taong gusto kong sabihan ng Salamat sa tuwing nakikita ko sya. - Salamat! Para sa'yo ang una kong pahina.

Matagal na akong sinasabihan ng kaibigan kong si Yetti na magturo ng Filipino pero hindi talaga ako titser mas lamang ako na estudyante. Isa lang ang gusto kong ituro - yoga. Pero dahil mahilig akong magpahayag higit sa Tagalog - ito na ang simula ng aking walang hanggan.  Naniniwala ako sa pagkakaibaiba ng opinion ng bawat tao. Pero marami akong opinion sa iba't ibang bagay. Akala mo minsan tahimik lang ako ang totoo - aminado akong wirdo. Nagpapasalamat ako sa kinalakhan kong mundo at namulat ang aking kaisipan ndi lang para sa sarili ko kundi sa ibang tao at sa paligid ko. Marami akong pilosopiya siguro dahil na rin sa edad ko. Simple lang naman ako - Kagaya ng nauna kong blog, mahilig akong bumyahe pero ang totoo mahilig din akong mag-isip lalo na habang nagbabyahe. Salamat ke Bob Ong dahil sa kahit dumadami na ang mga Pilipinong manunulat para sa akin siya pa rin ang nagsimulang maging inspirasyon ko. Mula pa lang sa ABNKKBSNPLako?!! Ang galing sabi ko - kaya ko din yun. Pero me mga desisyon na hindi ko pinili ang pagsusulat kahit ganun pa man, naniniwala ako na kung sino ka man ay hindi mo na mababago kaya kailangan mong yakapin ang sarili mo para makatulong ka sa iba. Magulo ba? Para sa lahat ng babasa. Salamat!

No comments:

Post a Comment